![]() |
MAHIRAP TALAGA EH! |
"Mahirap!".
Ito ang kalimitang lumalabas sa ating bibig kapag may mga bagay tayong hindi magawa o maabot sa ating buhay.
"Mahirap". (sabay buntong hininga)
ANO ANO BA YUNG MGA BAGAY NA MAHIRAP TALAGA?
Mahirap talaga siguro kapag nagsisimula ka pa lamang, wala kang kaalam alam sa mga gagawin mo.
Mahirap talaga siguro kapag pinanghihinaan ka ng loob, yun bang ang tingin mo sa sarili mo eh nasa iyo na lahat ng negative traits.
Mahirap talaga lalo na kapag wala kang katulong o masabihan sa iyong mga problema.
Mahirap talaga siguro kung hindi mo gusto yung ginagawa mo, napipilitan ka lang.
Hindi lang ito siguro yung mga bagay na "MAHIRAP TALAGA". Madami pa tayong pwedeng maisip at maidagdag na "MAHIRAP TALAGA" sa mga bagay na binanggit ko.
Pero ito ang pinakamahalaga sa atin, kahit na alam nating "MAHIRAP TALAGA" hindi pa rin tayo sumusuko, hindi tayo nawawalan ng pag-asa na malalampasan natin lahat ng KAHIRAPAN at higit sa lahat alam natin na may solusyon sa lahat ng KAHIRAPAN.
Sa mga taong mabilis panghinaan ng loob kapag nabigo sa isang gawain at nasabe mong "MAHIRAP TALAGA", eto ang maipapayo ko sa iyo: "Huwag kang masyadong magpapaapekto sa panandalian mong kahirapan sapagkat ang tunay na lumalaban, gagawa at gagawa ng paraan para malampasan ang isang problema, aalamin at aalamin kung paano ulit magsisimula, kaya ikaw, kung magpapaapekto ka sa panandaliang KAHIRAPAN, syento por syento baka di kana makaalis sa iyong pinagkabagsakan".
Katulad nitong post na ito, MAHIRAP sa simula, pero di ba mas masaya yung mga bagay na pinagHIHIRAPAN?

No comments:
Post a Comment